Lunes, Hunyo 18, 2012

Numbers


On the way home, I really thought of updating this blog and I already have a title in my mind... NUMBERS. Lets start?

642 - this is my new CD4 Count. I should be sad but I think Im not. Why? nagsimula ako ng 292 agad ang CD4 ko, so I need to take meds. After that, nagpacd4 ako uli it went to 872 so it was a very big leap! Everyone is actually surprised! I was hoping to maintain that number but unfortunately it went down to 642. Nothing to be sad of actually because this is a really good number. Considering that a normal person's CD4 should be ranging from 500-1000. (I am not sure about that 1500). So makaabot ka lang talaga ng 500 normal na. I was kinda expecting na mejo mababa na din kasi depende din daw un sa kundisyon ng katawan mo. E the night before sobra ako nagpuyat dahil akpapanood ng isang documentary... 12:30 na ata ako nakatulog tapos gising ng 6! haha! tapos ang lakas pa ng ulan kanina. Pasaway ko di ba? but I know that in my normal condition it should be higher.

10 - This is the cut off time (10:00AM) that RITM is accepting pozzies for CD4 count. Sa layo ko 3 hours aabutin byahe ko and while on my way I was losing hope na kasi 7:30 ako nakaalis sa sobrang lakas ng ulan. So ayun uli, sabi ko Lord, ikaw na po bahala ah. Nung andun na ako sa ayala may shuttle dun, usually maghihintay ka talaga ng 15-20 minutes bago umalis yun minsan nga more than 30 minutes sa dalang ng sumasakay. e 9:40 na nung makarating ako dun sa sakayan. e tatakbo pa ang sasakyan, maglalakad pa ako. so wala na. pero nung pagdating ko sa sakayan sakto aalis na yung shuttle humabol lang ako. so pagkasakay ko, alis kaagad. Alam nyo, napangiti na lang ako tapos napabulong ako... IKAW talaga (referring to God). So ayun I came 3-4 minutes ahead of time. Photo finish nga daw ako sabi ni ate Ellen (nurse).

Ang dami pinagawa sa akin, actually nalungkot ako kanina nung kinuhaan ako ng dugo, iba na kasi yung way. hindi na sya parang dati na papasukan ka ng karayom tapos hihilahin yung plastic para lumabas ang dugo...kanina napansin ko, ipinasok yung karayom tapos parang butas sa dulo, lalagyanan ng tube, tapos... ipapasok yung tube... sisirit yung dugo papasok sa tube... habang sumisirit sya nalulungkot ako... nagseself pitty... bakit ko pinagdadaanan ito...

ANYWAYS... tuloy natin ang numbers...

12 - eto yung number kanina na kasabay ko nagpuntan dun sa oras ko. Madami na ito. Imagine pagdating ko dun 12 agad kami sa isang room tapos may mga bago pa. narinig ko na naman yung linyang "Welcome to the School!" School kasi ang RITM para mejo easy sya pakinggan.

6 - haha! matatawa kayo dito. malapit na talaga ako maniwala na may hitsura nga ako. Habang naglalakad sa kalsada, 5 ang napalingon ko! (head turner?) haha. oo tatlo na yung tumitingin sa akin na nakita ko (well hindi ko alam kung meron man na hindi ko napansin). yung isa nga e natakot ako kasi sobra makatitig dahil magkasalubungan naman kami. yung isa naman pacute, yung isa matanda, yung isa sa escalator, yung isa naman lumapit sa akin at kinausap pa ako... since wala ako magawa e kinausap ko na rin. mukha sya straight actually. nagpunta lang daw sya dun sa pwesto ko kasi nakita nya ako dun. inutusan ang daw sya ng asawa nya na bumili gatas ng anak nya. ayun nagshare sya masaya daw sya nakakakita tao katulad ko kasi daw parang nagpapaksaya lang ako samantalang sya nakakulong kasi di nya mahal girl tapos yun nga mukhang nagkakagusto na sya sa lalaki. alam kong di sya nagpapakaastig lang. sa loob loob ko, di mo talaga mapapaliwanag utak ng tao... ako naman isa na lang gusto ko sana.. ang magkaanak, samantalang itong isa, gusto nya sa shoes ko... tapos yun minamanyak ako! haha! well hindi na ako magkukuwento dun...

Sabihin nyo weird kasi nilagay ko 6 pero 5 yung sinabi ko na lumingon? kasi on my way binilang ko na sabi ko 5 tapos habang binibilang ko may ngumiti sa akin. papasok sana sya sa isang malaking supermarket kaso nagiba agad ng way nung madaan sa akin... huminto sa isang lugar... pumwesto sa may malapit sa akin tapos nagsmile. hayayyay! yun na lang kukuwento ko!

Sasabihin ng iba nagbubuhat ako bangko, pero totoo lahat yan. ewan ko ba di naman ako pogi, may hitsura lang hehe. O ayan mga pozzie ha, hindi porke pozzie tayo mukha na tayo sakitin. Dami kaya pozzie na mukha pa rin fresh kaya tuloy lang buhay natin ha!


TUKSO LAYUAN MO AKO!!!


Yours,

Potchini2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento