After my HIV diagnosis,I have learned to live my life with a loving heart. One day at a time, lesser expectation, full of compassion... indeed... this is a positive life
Sabado, Mayo 26, 2012
Planet Romeo
Yesterday I decided to create a planet romeo account. Primarily because I want the people to know that this virus exist and this is just around the community. Your classmate, friends, partner, family or even YOU may already have caught one.
Naalala ko lang nung panahon na nalaman ko kung paanu ko nalaman na meron ako. Wala ako ka ide-idea na meron na ako. I was never sick. I cant even remember the last time that I have been feeling unwell even simple colds. Wala talaga ako nararamdaman ng kung anu ano. And because I started to hear some advocacies about the test, I just gave it a try... I also had my share of irresponsibilities, I guess lahat naman tayo at some point in our lives e nakagawa ng isang bagay na hindi masyado pinagiisipan, kaso ako... ayun, BINGGO. Until now I am still thinking if I did the right thing because it really affeted me emotionally. I want to have my own family, or kahit magkaanak man lang. Ayoko din tumanda magisa. These are some of the things that I still have in my mind right now...
EVEN AFTER A YEAR OF BEING DIAGNOSED.
Another reason why I created the account is to compensate for my deficiencies. Magpapakatotoo na ako, you may hate me, but I cannot divulge my identity to those that I date. I dont have the strentgh to tell that I am positive. The reason is that I am afraid that it backfires to my family, not to me... I cant trust this kind of stigma associated virus to anyone na madulas lang e sira na ang buhay ng pamilya ko.. I also think na mas nakakatakot pa ang mga hindi alam ang status nila dahil sila ang may mas malaking chances to infect. I believe that this kind of sickness is shared responsibility, the reason why I did not searched for the possible person whom I caught this, Do not expect that people who tested positive are all heroes that they will deprive themselves of their needs just to protect you. I hate it when they call themselves victims, Hello! nung ginawa nyo yun dalawa kayo may gusto hehe.Isa pa, I take my pills (which reduces the chance of transmission of more than 90%) and I never have sex without condoms. Ok, that being said, ako na matapang sa mga mapanghusgang pwedeng magbasa nito, dahil I know there are positives who does but does not tell. Why do I put this in my blog, I WANT YOU NON POSITIVES TO NOT TO DEPEND ON POZZIES FOR YOUR HEALTH. TAKE CHARGE.
AYoko maging plastik, nung nalaman ko na ganito ako hindi naging bato ang puso ko. ako pa rin yung dating ako mula nung bata hanggang ngaun. Nasasaktan, nalulungkot at ayaw matrato na parang isang salot. I am very productive and I decided to do this blog to help.
Hay ang bigat.
Anyways I received a message yesterday sa PR and I wanted to share it with you:
alam mo gusto kita makilala gusto ko malaman pinag dadaanan mo,,, wala man akong sakit ng gaya ng sayo... di naman ako yung natatakot mag karoon ng ganyang karamdaman,, ang sa akin eh magawa ko kung ano ang masaya ako.. tama ka isang beses lang nabubuhay ang isang tao.. kaya na sa sa iyo na yun kung paano mo ito gagamitin... lagi ko babasahin diary mo.. you makes me inspired di ko alam kung paano o kung saan.
SALAMAT SAYO. ikaw ang dahilan kung bakit naglakas loob ako na ilabas na itong part ng nasa isip ko.
Yours,
Potchini2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
to be honest nung nabasa ko to..
TumugonBurahinkusang tumulo ang luha ko..
sana wag ka mag isip na nag iisa ka kasi may mga taong maiintindihan ang kalagayan mo gaya ko...
di kita kilala ni sa litrato hindi...pero inaamin ko apektado ako sa lungkot na nararamdaman mo sana maging masayahin ka pa di at gawing normal ang lahat na dati mo ginagawa na parang walang nangyari.. godbless you always..tc..(markison)